Patapos na naman ang araw. Maya-maya kikitain ko ang aking bespren. Hindi ko alam kung bakit pero napagtanto ko na sa araw na ito, bihira akong ngumiti. Ang buhay nga naman talaga, ultimo ‘mood’ ko pinapakialaman. Gusto ko naman sanang maging masaya, kaya lamang, hindi ko talaga magawa. Kakalungkot nga eh. Pero naisip ko lang [as in ngayon lang], hindi kaya 16th of the Month Syndrome ito?
Oo, may ganun! At ako lang ang may karapatang magakaroon ng sakit na iyon. Bahala na kayong intindihin kung ano ang ibig kong sabihin. Malamang, wala naman sigurong naliligaw na multo sa blog ko [hahaha..what a multo!?]. Ayun nga, sabi ko nga, marahil dahil ika-16 ngayon ng buwan kaya wala ako sa sarili. Kung pwede nga lang sanang manhid nalang ako sa araw na ito. O di kaya biglang shift nalang sana [hehehe..gagawa akong sariling kalendaryo].
Ngunit, subalit, ek ek, ayoko rin naming mawala ang 16 sa kalendaryo dahil marami din naman kasing magaganda at masasayang tagpo ang nangyari sa araw na ito. Dapat nga yata ang ika-4 ng buwan ang dapat na mawala sa kalendaryo [hahaha..o pareho nalang kaya?].
Pero hindi rin naman siguro, ilang beses na rin kasing dumaan ang ika-16 at ika-4 ng buwan pero ayos lang naman ako. Ngayon lang hindi. Marahil dala na rin ng mga taong hindi ko maintindihan ang trip sa buhay [bawal magname-names dahil baka may gumalang multo..hehehe]. Kung araw-araw nga naman, ganung klaseng tao ang makakasalamuha ko, naku, lagot na. Kawawa naman ako.
Nga pala, napagtanto ko lang, kahapon/kagabi, napatingin ako sa salamin [maraming beses actually], napansin kong ang laki na ng braso ko. Di pa naman kapareho ng braso ni _____ [kayo na bahala kung sino..hahaha], pero in fairness, improving ang lola mo. Pati kamo tiyan ko. Natatakot ako. Ayoko ng bilbil [hehehe]! Pero masaya ako, dahil feeling ko, unti-unti nang nagkakatotoo ang mga plano ko sa buhay [ang magkalaman naman kahit konti lang].
Balik tayo sa kasalukuyan, napagtanto ko [ulit], ang tagal matapos ng aking pagbabasa ng Brida [libro ni Paulo Coelho]. Feeling ko tuloy nawawala na interes ko sa pagbabasa o sadyang namumuno lang talaga ang katamaran sa’kin ngayon. Huwag naman sana. Ayokong tamarin sa pagbabasa. Ayokong dumating ang araw na mawala ang interes ko sa pagbabasa [ayoko ding dumating ang araw na tamarin akong tuparin ang mga pangarap ko…Ayoko!]. Sana maibalik ko na ang interes ko sa mga bagay na minsan nang nagpasaya sa akin. Sana bigyan muli ako ng pagkakataon na kahit isang minsan lang, mabigyan muli ako ng pagkakataong panghawakan ang mga bagay na nawala at unti-unti nang nawawala. Sana may minsan pa, at minsan ay may sana pa.

No comments:
Post a Comment