Friday, March 20, 2009

Again and Again

Sa hindi ko maipalaiwanag na dahilan, mula kaninang umaga nang ako ay umalis ng bahay hanggang sa nakarating ako sa opisina, kinakanta ko yung Again ni Janet Jackson. Di ko naman masabing dahil ito sa LSS o Last Song Sydrome dahil nung isang araw ko pa huling narinig yung kanta.

Hina-hum ko pa nga yung kanta habang binabaybay ng bus ang EDSA. Sana eh hindi napaghalataan ni Lolang katabi ko sa bus [hehehe]. Eh ano nga bang meron sa kanta? Ang masasabi ko lang, ubod ng lungkot yung kanta. Pero naman, maganda ang tune nya. Tipong kung gusto mo magpakasenti o kaya ay nahihirapan kang matulog, suggestion ko lang eh try mong pakinggan yung kanta kung di ka maiyak o kaya makatulog.

Anyway, so bakit ko nga ba sya kinakanta? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam, swear! Basta ang alam ko lang, kinakanta ko at hina-hum yun. Para sa ibang taong di alam kung ano yung kantang tinutukoy ko, heto ang lyrics:

Again
by Janet Jackson


I heard from a friend today
And she said you were in town
Suddenly the memories came back to me in
My mind


Chorus:
How can I be strong I've asked myself
Time and time I've said
That I'll never fall in love with you again


A wounded heart you gave,
My soul you took away
Good intentions you had many,
I know you did
I come from a place that hurts,
an' God knows how I've cried
And I never want to return
Never fall again
Making love to you oh it felt so good and
Oh so right

Repeat Chorus

So here we are alone again,

Didn't think it'd come to this
And to know it all began
With just a little kiss
I've come too close to happiness,
To have it swept away
Don't think I can take the pain
Never fall again
Kinda late in the game
And my heart is in your hands
Don't you stand there and then tell me
You love me
Then leave again
'Cause I'm falling in love with you again
Hold me, hold me
Don't ever let me go
Say it just one time
Say you love me
God knows I do love you again


Hindi naman ako makarelate sa kanta. Para lang malinaw. Masyadong madrama ang kanta para makarelate ako (defensive?hahaha..Hindi!). Ayun na nga. Hanggang ngayon (time check: 12:53PM), pinapakinggan ko pa din yung kanta. Actually, ito lang ang kantang pinapakinggan ko mula pa kanina. Naka-repeat nga lang ang media player ko. Song of the day ko atang maituturin ito.

Nga pala, kinakanta ko din pala yung Water Runs Dry ng Boys II Men kanina pero saglit lang. Pagkatapos nun ay balik Again na naman ako.

Again and Again ang drama ko. Ewan ko nalang kung di ko pa mamemorize yung kanta [hahaha].

Maaga kong lilisanin ang opisina mamaya, mga bandang alas-4 ay aalis na ako. Kaso may malaki akong problema, saan ako pupunta after ng trabaho ko? Saan ba ako pwedeng magmuni-muni? Ayoko sa bahay. Ayoko ng hassle eh. Iniisip ko, ano kaya kung pumunta akong Mendiola at magsimba sa Baste? Kaso wala naman akong kasama. Malulungkot lang ako dahil never pa akong nagsimba doon ng mag-isa (yes! ang drama!).

Anyway, iniisip kong pumunta ng SM Makati. Lalakarin ko mula dito sa opis hanggang SM. Kaso, wala na naman akong kasama. Sa layo ba naman, nakakabagot mag-isa. At isa pa, baka mawala ako. Di ko naman kasi kabisado yung papunta dun kung dun ako sa shortcut. Gusto ko kasi sanang pumunta sa Chapel ng Greenbelt. Ang cute kasi. Oo, cute yung chapel nila. First time ko syang nakita last week ata yun. Di naman kasi ako palagala dito sa Makati. Kaso, ayun nga, nagdadalawang isip ako kung lalakarin ko ba o sasakay akong bus? Bahala na nga lang.

Kahapon pala nang magawi akong Rob Galleria, napagpasyahan kong bumili ng pants (pero wala kong nabili dahil . . .). Sa kasamaang palad, isang pants lang ang nakapasok sa taste ko. At kapag minalas ka nga naman, hindi kumasya sakin. Oo, napagtanto ko, baka naman nagkalaman na nga ako. Pano kasi, naglalaro lang naman sa 26 o 27 ang waist ko, pero kahapon, nang aking sinukat yung BNY na pants, di nagkasya sakin yung 27. Naisip ko naman baka maliliit lang kasi ang sizes nila. Ngunit, subalit napagtanto ko na hindi nga pala kids section yun. Ladies section ang pinuntahan ko. Kudos sa'kin kung ganun! Yipey!

Sa kasalukuyan nga pala ay naghihitay nalang akong mag alas-4 para makalayas na ng opis. Alas-9 pa lang kasi tapos na'ko sa lahat ng gawain ko for today.

Ang saya! Ayun. Sana April na para masaya! Sana makauwi akong province. Hay. Puro na naman ako sana. Sana at Sana. Again and Again.

No comments: