Friday, March 20, 2009

Ano Nga Ba Ang Silbi Ng Alumni Card?


Out of being a PEP (Philippine Entertainment Portal) enthusiast, I came across with John Lapus's blog (under PEP as well). On his latest blog post, my attention was caught with the question, "Ano nga ba ang gamit ng Alumni Card?" I admit, napaisip ako bigla.

Oo nga naman, ano nga ba ang silbi ng alumni card maliban sa isa itong instrumento para makapasok ka sa iyong minamahal na Alma Mater. Ako man din ay napapaisip sa kung bakit pa naimbento ang Alumni Card. Hindi naman kasi sya tinatanggap bilang isang valid ID (identification card) ng mga establishment gaya ng mall, bangko, at iba pa.

Isipin nyo, kahit naman wala kang alumni card, pwede ka pa ring makapasok sa dati mong eskwelahan, di ba? Napagtanto ko tuloy, hindi kaya ka-echosan lang yun ng mga unibersidad/paaralan? Tipong para pandagdag lang sa listahan ng mga babayarin. Mautak talaga.

Nang minsan akong nagawi sa aking sinisintang pamantasan (naks! kunyari proud Escolarina ako), sa aking pagkakaalala, mga dalawang buwan matapos ako grumaduate, naisipan kong tumambay sa University Library. Iniisip ko kasi, may alumni card ako, at certified Alumna ako ng pamantasan. Hindi naman ako nag-iisa, kasama ko noon ang aking mga minamahal na block-mates.

Mga halos isang oras na rin ang nakalipas ng bigla kaming nilapitan ng librarian. Tinanong kami kung ano daw ba ang ginagawa namin doon (naka-civilian clothes kami noon kaya naman halatang di na kami estudyante)? Dahil nga sa may alumni card kami, pinakita namin ang katibayan at sinabing, "Alumni po kami, nagbabasa lang po kami (ng dyaryo, pero echos lang din yun dahil nga nakatambay lang talaga kami dun, papalipas lang ng oras). Aba! Nabigla kami sa sagot ng aming beloved librarian. Sabi nya, "Nagrereview ba kayo? Ano ba course nyo?" Sinagot namin iyon ng katotohanan, "Hindi po, MassComm graduates po kami."

Tapos sabi nya, "May permission ba kayo mula sa head ng library?" Napatingin nalang kaming magkakasama sa isa't isa. Medyo mabait naman si Ms. Librarian, sabi kasi namin di namin alam na hindi pala pwedeng pumasok ng library ang mga alumni na kagaya namin ng walang pahintulot. Sabi nya, hindi nga raw pwedeng pumasok ang mga alumni maliban nalang kung humingi ng kaukulang permiso o di kaya ay nagrereview. Sa totoo ang, nadismaya kami. Napaisip tuloy kami ng aking mga kasama kung bakit at ano pa't alumni kami? Unang una, hindi naman kami nanggugulo sa library, tahimik lang naman kami.

Ngunit dahil kami ay masugid na tagasunod ng 'Sciencia y Virtud' o Science and Virtue (yun ang university slogan, if i may call it), lumabas na lamang kami ng library. Di na namin kwenistyon ang patakaran, eh malamang kahit tama kami, sila pa rin ang tama (ganun naman lagi, di ba?).

Going back, so ano nga ba ang silbi ng alumni card kung hanggang pagpasok lang naman ng unibersidad ang pwede. Dahil di pala sakop ng privilege ng pagkakaroon nito ang makagamit ng university facilities (which i bet sa ibang unibersidad eh pinapayagan naman ang ganun). Ano pa't binayaran namin ng pagkamahal-mahal ang card na yun (para lang pala masabi na alumni kami ng pamantasan)?

Mabuti sana kung masasagot ang aking mga katanungan ng mga may kinauukulan. Pero dahil na rin sa ayoko maiskandalo, never mind nalang. Dito nalang sa blog. Saka ko na babalikan ang mga taong makakapagpaunawa sakin sa tunay na halaga ng alumni card kapag ready na ako [hehehe].

No comments: