Ika-6 ng Pebrero, mga bandang alas-syete ng gabi. Nakatakda akong makipagkita sa bestfriend ko sa Megamall. Naaayon sa inaasahan ko, nauna na naman akong dumating sa itinakdang lugar ng aming pagkikita. Dahil na rin saw ala pa s’ya at mukhang matatagalan pa, pumasok ako ng National Bookstore.
Pagkapasok ko, nakuha ang aking atensyon sa tarpaulin na nakapwesto sa may pinto ng bookstore. Ang nakasulat ay, “Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-big ang 4 out of 5 sa atin). Dahil na rin san a-curious ako, hinanap ko ang libro.
Ngunit bago pa ako tumungo sa Philipinne Literature Section ng bookstore, nagawi ako sa estante kung saan nakalagay ang mga libro ng paborito kong manunulat na si Paulo Coelho. Hinanap ko ang kopya ng pinakbago nyang libro (o pinaka-latest na labas) na noong nakaraang lingo ay nakita kong may anim na kopyang nakahilera doon. Di ko inaasahan, wala nang natira ni isa.
Nanlumo ako, nanghinayang dahil nga ito ang librong sobra kong ninanais na mabili sa kasalukuyan kaya lamang, nagdadalawang isip ako dahil may kamahalan ito kumpara sa iba nyang mga libro. Dahil na rin sa ala naman akong magagawa kong sadyang marami lang talagang tagahanga si Coelho, at masyado akong nanghihinayang sa 455 pesos na halaga nito, nagtungo na ako sa Philippine Literature Section.
Hinanap ko agad ang libro ni Ricky Lee, swerte at hindi ito nakabalot gaya ng ibang libro, kung kaya naman, nagawa kong basahin ang ilan sa mga kumentaryo tungkol sa libro. Nakasaad doon na maganda nga dawv ang storya ng libro. Di ko maitatanggi, na-kocurious talaga ako. Ngunit, gaya ng dati, nagdalawang isip ako kung bibilhin ko nga ba o hindi.
Nagtext na si bestfriend, malapit na raw sya sa mall. Palabas na sana ako nang masilayan ko ang isang libro na halos kahanay ng mga libro ni Bob Ong (nag-iisang manunulat na Pilipino na hinahangaan ko dahil sa natatanging tapang nya para magbigay opinion sa mga bagay na marahil ay iilagan ng nakararaming manunulat). Dala na naman ng curiosity, kinuha ko ang libro at tiningnan ang likod nito kung saan nakalagay ang author’s profile.
Nang makita kong ito ay nilimbag ng Visual Print Enterprise, napaisip ako bigla. Pano naman kasi ang publishing na ito lamang ang may lakas ng loob para maglimbag ng mga libro na may patama sa gobyerno, sa mga pangkaraniwang tao, mga politico, at sa buong madla.
Bukod nga pala sa cover ng libro, nakuha din ng titulo nito ang atensyon ko. Pano ba naman kasi, ang pamagat ng libro ay, Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling ako (at iba pang kuwentong kasinungalingan na di pa dapat paniwalaan). Kung hindi ka nga naman magtaka, hindi ba?
Dahil na din sa nakabalot ito ng plastic, hindi ako nagkaroon ng pagkakataoon na basahin ng pahapyaw ang nilalaman ng libro. Hanggang autobiography lang ako. Pero, napaisip akong bilhin ang libro. Naisip ko kasi, sa pamagat pa lang, istilong Bob Ong na. sumagi din sa isip ko na baka ang sumulat ng libro na si Eros S. Atalia ay marahil ay si Bob Ong.
Dahil na din sa dumating na ang aking best friend, lumabas na ako ng bookstore at kinita sya. Subalit, hindi ako mapakali. Kaya naman, ng aking matanaw ang aking kaibigan, dali-dali ko syang niyayang bumalik sa bookstore. Sabi ko ay may bibilhin ako.
Matapos ang halos isang oras na pagmumuni-muni kong gagastos ba ako sa pagbili ng liro o hindi, napagpasyahan ko na ding bilhin ang libro. Atat na atat akong basahin ang nilalaman. Sabi ko nga sa matalik kong kaibigan, baka nga si Bob Ong at si Eros Atalia ay iisa. (Take Note: Di ko pa nababasa ang libro ay kung anu-anong haka-haka na ang pumasok sa utak ko.)
Pagkaating ko sa bahay ay dali-dali kong binuksan ang libro, at sinimulan na ang pagbabasa. Wala akong masabi. Ang daming paunang salita mula sa mga taong medyo (o sadyang) di ko kilala. Pero dahil na din sa mukhang masaya ang tema ng libro, pinagtyagaan kong basahin lahat ng mga kumentaryo tungkol sa libro.
Hayon! Sa wakas, simula na ng pakikibaka este ng kwento. Unang pahina pa lang medyo napatawa na ako. Sabi ko sa sarili, istilong Bob Ong nga. Mukha yatang hindi ako nagkamali sa haka-haka ko sa bookstore kanina. Di ko na mapigilan ang sarili sa pagbabasa hanggang sa namalayan kong nangangalahati na pala ako. Dahil na rin sa lumalalim na ang gabi at maaga pa ang lakad ko kinabukasan, at pagod na in ako, itinigil ko pansamantala ang aking pagbabasa at namahinga.
-To be continued . . .-
PEDL_021209

1 comment:
o bakit hindi mo inilagay na you bought YES! Mag (featuring Willie Revillame) that same day? haha..
anyway, you have to have more reasons to support your assumption...
Although authors really have their signature style in writing, it is not enough basis pa din.
^_^
Enjoy reading beshie.
Post a Comment