Tuesday, December 9, 2008

Estado ng Puso

kahit gaano ko man pilitin, na ika'y limutin,
sadyang di kayang diktahan,
ang pusong nagsusumamong iyong balikan,
pilitin ko mang tumawa
sa pag-ibig sa'yo alam kong di magsasawa
dahil hangga't ako'y humihinga,
sa pag-ibig mo pa rin titingala.

naisin ko mang maging masaya,
di ko kayang itanggi na nasa iyo lang ang ligaya,
sa tuwing ako'y nag-iisa,
di maikubli ang pagkabalisa.

mahal kita, alam kong alam mo yan,
nakakalungkot lang, kailangan mong lumisan,
sana pag dating ng araw mapagtanto mo,
na ang puso ko at puso mo, ay sa isa't-isa lang nagsusumamo.

===5:51; december 9, 2008====

No comments: