Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa salitang Pilipino ko piniling isulat ang bahaging ito.
Minsan, may mga bagay na hindi inaasahan. Mga bagay na kung pwede lang, sana hindi na naganap, sana hindi nalang dumating. Mapapaisip ka kung bakit, ngunit sa kabilang dako, mapagtatanto mong nangyari o dumating ang mga bagay dahil may rason. Minsan, mahirap ipaliwanag at intindihin, pero kailangan.
Ang bahaging ito ay inaalay ko sa isang kaibigan na alam kong sobra-sobra ang sakit at hinagpis ang nararamdaman ngayon. Sa parte ko, wala akong magawa. Malayo ako. Gusto ko man syang damayan sa kalungkutan na tinatamasa nya ngayon, tanging panalangin na lamang ang maipapaabot ko.
Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari, di ko maiwasan ang lumuha. Parte nito ay dahil di ko lubos maisip na sadyang darating sa puntong kailangang mangyari ang mga bagay-bagay. Nararamdaman ko ang hinagpis na nararamdaman ng kaibigan ko. Marahil dahil na din sa para na akong ampon ng pamilya nila. Sa halos lahat ng mahahalagang okasyon sa kanila, nandoon ako. Maliban lang ngayon. Maliban lang ngayon kung kelan mas higit nilang kailangan ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanila.
Malungkot ako, ngunit masaya na din. Maraming bagay ang nangyayari sa mundo ng hindi inaasahan. Madaming bagay ang nangyayari na hindi maipaliwanag. Isa lang ang alam ko, lahat yun may dahilan. Sa panahong itinakda, tiyak na malalaman din kung ano yon.
Gaano man kalungkot at kasakit ang mga pangyayari sa buhay natin, kailangang bumangon at magpatuloy. Gaano man kasakit ang pagkakadapa at ang dulot nitong mga sugat, naandyan ang tiwalalang, maghihilom din ito sa takdang panahon.
People come, people go as they say. But one thing's for sure, our God will always be on our side even in the most painful part of our lives' journey. :)
***
On the other side, while I was writing this entry, one of my closest friends texted, informing me her safe delivery to a baby boy. See how amazing God is? Can't wait to see her little angel soon. :)
***
On the other side, while I was writing this entry, one of my closest friends texted, informing me her safe delivery to a baby boy. See how amazing God is? Can't wait to see her little angel soon. :)
=====
There's a lot more to share. Go visit the link below. :-)
PAMELA'S SANCTUARY: Unleashing the adventures of my life.
PAMELA'S SANCTUARY: Unleashing the adventures of my life.
=====
I am a PEBA Blog Awards' Nominee! View my entry, click the link below. :-)
My Piece and Salutation
My Piece and Salutation